Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Dave Branon

Kapakanan ng Iba

Nagtatrabaho ang kaibigan kong si Jaime sa isang malaking kumpanya. Noong bago pa lang siya roon, kinausap siya ng isang lalaki at kinamusta. Tinanong niya si Jaime kung ano ang trabaho niya. Pagkatapos sumagot ni Jaime, siya naman ang nagtanong, “Anong pangalan mo?” “Rich,” tugon ng lalaki. “Ano naman ang trabaho mo rito sa kumpanya, Rich?” tanong ni Jaime. Sumagot naman…

Binago ni Jesus

Isang grupo ng kabataan ang bumisita sa isang home for the aged sa Jamaica kung saan kinukupkop ang mga matatanda. Napansin ng isa sa kanila ang matandang lalaki na malungkot. Parang wala nang natitira pa sa matanda kundi ang kanyang higaan na hindi niya kayang galawin dahil sa kapansanan.

Ibinahagi ng kabataang babae sa matanda ang tungkol sa pag-ibig ng Dios…

Takot na takot Ako

“Takot na takot ako.” Ito ang isinulat sa Facebook ng isang kabataan at ipinaliwanag na ang kanyang takot ay dahil sa paghihintay niya sa resulta ng mga pagsusuring medikal na ginawa sa kanya. Nag-aalala siya habang hinihintay ang sasabihin ng mga doktor kung ano talaga ang sanhi ng kanyang sakit.

Sino sa atin ang hindi natakot noong mga panahong humarap tayo…

Handang Maglingkod

Minasdasdsadsan sa aming lugar sambahan, nagkaroon ng seremonya kung saan naghugasan ng mga paa ang aming pastor, mga namumuno at ang mga bagong lider na itatalaga sa araw na iyon. Layunin nito na ipakita na ang tungkuling gagampanan ng mga bagong lider ay hindi lamang mamuno, kundi maging tagapaglingkod din.

Mababasa naman natin sa Juan 13 na ganoon din ang ginawa…

Kamukha

May mga nagsasabi na lahat daw ng tao ay may kamukha. Mga taong hindi naman kilala pero kamukha o katulad ng ating ugali at mga gawi.

Nakakatuwang isipin na isang sikat na mangaawit na si James Taylor ang kamukha ko. Minsan, dumalo ako sa pagtatanghal niya. Nagulat ako sa maraming taong bumati sa akin. Gayon pa man, hindi ako magaling kumanta…